naparito akong di madalumat ang kataga
habang hinahanap ko ang nawawalang diwata
habang siya'y hinahagilap sa abang gunita
siyang may ngiting anong ganda't magiliw na mukha
dinadalirot ko man ang nagnanaknak kong sugat
balang araw, kasawiang ito'y magiging pilat
na bagamat napaghilom na'y di pa rin makatkat
pagkat balantukan, na ang naghilom lang ay balat
tanaw ko ang sariling kuyom pa rin ang kamao
na sa pakikibaka'y nananatiling seryoso
di nagigiba ang paninindigan at prinsipyo
palaban, nakikibaka, kahit mukhang maamo
mga salitang angkop sa tula'y hahagilapin
upang kagiliwan ng madla pagkat matulain
anumang patakaran ng puso'y huwag labagin
nang manatiling malaya, sa bisig ma'y kulungin
- gregbituinjr.
Miyerkules, Hulyo 8, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tulok
TULOK Una Pahalang, tanong ay TULOK tila ba kaylalim na Tagalog isip-isip, katugma ng TULOG kaya Pababa muna'y sinagot hanggang natanto...
-
PAGPUPUGAY SA PAGWAWAGAYWAY isang karangalang mabidyuhan ang pagwawagayway ng bandila ng samutsaring mga samahan, ng guro, obrero, masa, duk...
-
NAGKAMALI NG BILI NG DELATA nagkamali ako ng bili ng sardinas di ready-to-open, hanap ko pa'y pambukas na abrelata, ngunit wala, kutsily...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento