kapansin-pansin ang balita sa Abante Tonite
nasa headline pa, lalo na't may dating ang pamagat
mga dayo'y nagrambulan nang dahil sa kulangot
ito nga ba'y nakakatawa o nakakatakot?
pinahiran ng kulangot ang Hapon sa comfort room
ng isa sa suspek na Taiwanes na nakainom
hanggang sa magkasagutan sa loob ng kubeta
at sa paglabas, aba, sila'y nagkarambulan na
nagkabatuhan ng bote dahil isa'y nambastos
tila ba sa disiplina sila'y wala sa ayos
ayon sa balita, ito'y naganap sa Maynila
sa isang bar sa Ermita, dayo'y nagkasagupa
parak ay dumating at agad na pinagdadampot
silang mga nagpang-abot nang dahil sa kulangot
- gregbituinjr.
* batay sa isang ulat sa Abante Tonite, Agosto 13, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Payò sa tulad kong Libra
PAYÒ SA TULAD KONG LIBRA di ako mahilig sa horoscope subalit mahilig ako sa pagsagot ng sudoku ngunit dahil sa dyaryo sila'y magkatabi a...
-
SA ARAW NG KABABAIHAN pakikiisa ko'y mahigpit sa Araw ng Kababaihan sasama ako't igigiit kanilang mga karapatan bukas ay dadalo sa ...
-
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, ...
-
SONETO SA MUSA tulad mo'y patak ng ulan sa aking munting katawan tulad mo'y init ng araw sa panahong anong ginaw tulad mo'y mga ...



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento